Wednesday, 12 November 2014

Hahabol ako promise

Andami sa mga kaibigan ko ang panay ang alis ng bansa o di kaya ay kung saan-saan nakakarating. Yung isa nasa Dubai at panay pagkokolorete ang inaaatupag. Yung isa naman kasalukuyang nasa Paris, malamang nagpapahalina sa mga magagandang dilag dun at sa sarap ng French cuisine (wag mo akong papadalhan ng picture ng pagkain,patay ka sa akin). May isa naman nasa Malaysia, nakapunta na yata sya ng Penang at ineenjoy ang Shah Alam tapos umuuwi ng Kuala Lumpur every weekend. Yung isang ate-atehan ko balak namang tumulak papuntang London, makikita nya na dun si Rupert at si Ed (my gulay yung puso ko) at yung isa kiddie ko eh nasa Qatar yata o UAE? Not sure.The big one I suppose is that kid that I adore na every year dalawang bansa ata ang tinitirhan para ma-immerse sa culture ng ibang bansa at matuto, what was I doing when I was 19? *reminded* Oh yeah, hahaha. Locally, may mga tropapips naman ako na beach hopping yata ang pinagkakaabalahan at yung iba naman minamarkahan ang mga matataas na bundok sa karatig lalawigan. Natatagpuan ko na lang ang sarili ko na taga-like ng mga posts and pictures nila, haaay. Yung kaibigan ko nga from College iaakyat sa bundok ng isang tribo para mag-observe ng isang ritual dun, intense.  Actually yung mga kaibigan kong supposedly ay linggo-linggo/araw-araw kong kasama ay di ko rin maharap ng matino, medyo pang-super saiyan mode kasi ang juggling ng schedules ko lalo na sa buwan na ito at wala na ako masyadong panahon para makipaghuntahan ng maayos, let alone lumabas kasama sila *le cries*



PERO AYOS LANG. Yung totoo, okay lang, I am so grateful dahil sandamakmak ang pinagkakaabalahan ko at alam kong may greater purpose ito. Di na rin ako  masyadong naiinggit, iniisip ko na lang na bumubwelo ako at nag-iimbak ng mga bagay na kakailanganin ko pag ako naman ang sumige sa pagbiyahe (i.e required skills like self-defense, swimming and exotic cooking), at syempre mag-ipon ng pangwalwal sa kung saan-saan. 2017 is the year baby! Mag-o-all out talaga ako, so tiis lang D, tiis lang. Ang dami kong napapansin na di dapat pansinin at mga di napapansin na dapat pansinin pag sabaw ako, enerbeyen.

Note to self: Quit or at least refrain from reading travel blogs when you don't have the means, stick to museums okay, sumusundot tuloy quarter life crisis mo eh.

Dear friends,

    Wag nyo masyadong bilisan dahil hahabol pa ako. See you on the road.

No comments:

Post a Comment

Well hey :) Is there something you would like to say?