Thursday, 5 September 2013

One heck of a Ride

September 05, 2013 – Thursday
Yesterday may have been the day that I had my worst MRT trip ever. People seemed to forget that I am human being too, let alone a woman. So, while I was there, squished and trying my best to stifle my cries of agony, I realized that I have been using this means of transportation for the past 5 years. Yep, 5 years, 3 jobs and a lot pounds ago I was someone who was really amazed by the power and beauty of using the MRT.  Para sa akin noon, it speaks of freedom and being a grown up. Alam mo yung parang sa mga Hollywood movies, kung saan yung matatanda kapag pumapasok sa mga trabaho nila ay gumagamit sila ng subway. I was so drunken with the thought that I was actually doing something a grown up only could,  that di ko agad napansin na it’s a war out there.  So here are some of the stuff that I realized and observed sa kasasakay sa mechanical-uod na to, I’m sharing them to you para parang preparation na din. These are my opinions, each to his/her own ika nga.


1.       Depressing Ambiance.  Ewan ko din eh, siguro dahil na rin sa polusyon at color scheme ng buong place, na para bang ang lungkot-lungkot nya. Masyadong dark for my taste, and somehow it makes you feel that the place is cramped regardless of the space.

2.       You must know your time. Sadly, unlike other countries’ train stations, ours are so outdated that we don’t have fixed schedule or at least a tentative schedule that we could check to fit our plans and travels ahead. Dito ako medyo nasasaklapan, ang tendency pa eh dapat meron kang at least 1 hour na sobra just in case maipit ka sa unpredictable buhos ng tao.

3.       By all means, avoid staying by the doors. They are the line of fire, and unless you are totally helpless and out of options, keep away from the doors. Para sa akin kasumpa-sumpa ang manatili sa mga pintuan ng MRT, lalu’t-lalo na kung Rush Hour. Masyadong eager ang mga taong makarating sa pupuntahan nila, na tila nabubulag yata sila na may nasasagi sila. Sa mga ganitong pagkakataon ko wi-ni-wish n asana payat pa din ako, so that I won’t take up so much space.  Kung nakapwesto ka sa may pintuan, malamang familiar ka sa crazed look ng mga commuters, na tila na-zombified na sila, at ang kakarampot na espesyo sa tabi mo ay parang brains na sobrang hayok silang pwestuhan. Grabe talaga!

4.       It pays to be fit. This is what I realized after my MRT incident yesterday. Kung may knowledge ka sa body contortion or any other yoga position, I think magiging kagamit-gamit saiyo ang mga ito sa mga panahong siksikan na sa loob ng tren. Beware darling, kapag sinabi kong siksikan, siksikan talaga, yung tipong mag-adjust ka lang ng 1 degree to your left, you’ll probably bump unto someone. So kung masyado mong pinapahalagan ang comfort zone mo, kung saan malaya kang makagagalaw, oh sinta, hindi ito ang lugar para saiyo. You’ll have to say bye-bye to your personal space, because you’ll eventually find out na ang mga Pilipino, basta may mapupuwestuhan ay papatusin, makarating lang sa pupuntahan. Another thing about the perks of being fit is the tendency of finding yourself holding on to unexpected things just for support. Madalas ko ngang naeexperience yung hatchet kung saan nakakabit yung warning signal para sa mga pinto na laging bumubukas, kasi pati yun inaabot para lang makatayo ng maayos sa loob ng tren. Sa mga gym enthusiast, this is the perfect time to flex those muscles you worked hard for. Imagine your biceps, outstretched and tensed up for support for 30 or more minutes (especially if you are travelling to Taft from North Avenue Station). Sobrang endurance and strength ang kailangan mo dun, wala ako masyado nun, kaya naman kinse minuto pa lang akong nakatayo, nag-cra-cramps na ang balakang ko.

5.       Maging mapag-matyag. Nakakalungkot man, ngunit kahit sa kalagitnaan ng lahat ng possibleng karumal-dumal na mangyayari saiyo sa loob ng tren, ay possible pang mas maging masama ang riding experience mo. How you ask? Dahil kahit sa loob ng tren may mga mapagsamantala. Naniniwala akong may iba’t-ibang uri ng mga magnanakaw sa loob ng tren. (a)The classics- magnanakaw ng gamit, kahit ano pa tawag sa kanila, snatcher, slasher, opportunist. Isa lang goal nila, at yun ay kunin ang gamit mo. (b) Voyeurs – sila yung makakita lang ng nakamaiksing palda or shorts akala mo namagnet na kung makatingin. Yung mga malalala na talaga kumukuha pa ng letrato. Di ka nga hinahawakan, para ka namang nahuhubaran sa mga sulyap nila. Sangkatutak na self-control ang kailangan mo eh, wag lang makapanusok ng mata. Di rin maiiwasan siguro, kasi nga siksikan, so yung mga pagka-ayos-ayos na damit na suot mo pwedeng umurong sa di kaaya-ayang (?) paraan na di mo napapansin at nasisilipan ka napala. Ang payo ko, self-awareness. Kaya ako nga, yakap yakap ko sarili ko, okay nang mag-mukhang tanga, wag lang mukha p*ta. (c) Touchy-Feely – ito ang pinakasusuklaman ko, utang na loob lang talaga. I studied in psychology that the human brain cannot help but signal the eyes to keep on looking at something that has caught its attention, lalo na at kaaya-aya, pero manghawak ba? As in talaga, baka makapatay ako kahit sobrang siksikan kapag may nanantsing sa akin. Yung officemate ko nga di nakapasok last month, cause she had to break a guy’s arm for touching her at places only her momma’s allowed.

6.       Wag kang superficial.  Hanga talaga ako sa mga commuters na mukha pa ding tao kapag lumalabas ng MRT. Yung kahit rush hour parang ni hibla ng buhok nila di nawala sa puwesto. Ako, big challenge na ang mag-lugay sa loob ng tren, dahil sobrang hassle nya, alam ko namang mukha akong may rabies na lion pagkalabas ko sa MRT kung i-a-attempt ko yun sa pagpasok ko sa opisina. One must simply forget about their looks during the rush hour, kasi ang posibilidad nyan ay mukha kang inabuso pagkatapos ng buong biyahe mo. May isang pagkakataon, habang ako ay nakatayo at kulang na lang ay itupi ang sarili sa puwesto ko, may aleng pinagpalang nakaupo at nag-a-apply ng make up  sa kahabaan ng biyahe. Grabeng pagtitimpi ko noong mga panahon na yoon. It feels like she’s mocking my ordeal.

7.       Your card must be your best friend. On my first day as a trainee to be a call center agent somewhere in Buendia, I was a bit excited to ride MRT (yes that was my first time). Ginawa ko lahat ng steps na required from me. Have your belongings inspected by the guard, buy your ticket from the ticket booth, enter the station through the special contraption they call the entrance, aboard the train, endure the trip (which during that time was easy as A-B-C), alight the train and then exit the station, except nawala ko yung ticket ko. Noong mga panahong yoon kasi, full time student ako, so pumasok ako dala-dala ang mga libro ko sa eskuwela, ang naaalala ko inipit ko lang yung ticket sa unang pahina ng Introduction to Abnormal Psychology kong libro. Noong palabas na ako ng station, wala na yung ticket. So the 19 year old me, teary-eyed and clueless,  approached the guard to ask for help, who in return nonchalantly answered “bumili ka ng bagong ticket”. Kahit labag sa loob naglabas ako ng bente pesos, at bumili ng panibagong ticket . Habang naghihintay ako sa training room ng magiging company ko, nagbuklat muna ako ng mga school notes ko, at sa buwisit ko hayun ang tarakyang ticket at nasa unang-unang pahina pa ng libro ko. Limang taon na ang nakakalipas, nandun pa din sya. Paalala ng katangahan ko.

These are just some of the few things that I’ve experienced while using the MRT. Iba talaga ang experience, and every time you survive the whole ordeal, pwede mo nang masabi sa sarili mo na para kang milyunaryo. Sa kasalukuyan, gusto daw ng pamahalaan ng MRT na magtataas daw sila ng pamasahe, sa akin ayos lang kasi araw-araw naman syang ginagamit at ikala man nating lahat, considered as necessity na ang MRT. Ang akin lang, dapat reasonable ang fare hike, the changes and improvement should be felt, and that it’ll make the riding experience to wherever a person is going worthwhile, di yung tipong parang pinaparusahan ka pa. I also learned that a person should act appropriately while travelling, keep your cool and be courteous ika nga. Consider other people, kasi gaya mo, ang gusto lang naman nila ay makarating sa pupuntahan nila. Have a safe travel everyone!















No comments:

Post a Comment

Well hey :) Is there something you would like to say?