Tuesday, 7 October 2014

Mahabang gabi (Una sa Tatlo)

     Nakisiksik ako sa dami ng mga pauwing tao nang araw na iyon. Holiday kinabukasan, kaya naman ganoon na lang ang pagmamadali ng lahat na makauwi ng maaga o pumunta sa kung saan man sila pupunta. Sapo-sapo ko ang paper bag na kinalalagyan ng pasalubong ko saiyo mula Boracay, lukot na at unti-unting dumurumi dahil sa polusyon ng Metro Manila. Kauuwi mo lamang mula sa malapit na probinsya kung saan ka nagtuturo sa kolehiyo, magpapasa ng mga requirements sa University na gusto mong pasukan para sa Masters Degree na matagal mo nang nais kunin. Nagsabi ka ng mga gagawin mo sa buong maghapon, “…pupunta sa” dito at doon at “…kikitain ang ilang kaibigan mula..” sa ganito at ganyan. Bahagya akong nalungkot at mabilis na kinagalitan ang sarili sa pagiging mapaghanap. Wala naman tayong usapan ng araw na iyon na magkikita, umasa lang ako ng bahagya na makikita ka tutal ay nasa lungsod ka naman ng mga panahong iyon. Natunugan mo yata ang pagtamlay ko kahit sa text lang tayo nag-uusap, kaya’t naging malambing ang mga susunod nating palitan ng mensahe.
Nasabi ko na di ako kumportable na nakikiamot lang ng panahon, makasarili ako pagdating sa bagay na iyon, at ikaw naman ay humirit na  babawi basta may pagkakataon. Nagdesisyon akong idaan na lang sa lugar kung saan kayo magkikita ang pasalubong na akin na ngang dala-dala, at habang lulan ng tren na tila bibigay ano mang oras sa dami ng taong inilalakbay ay pilit kong kinontrol  ang mabilis na pintig ng aking puso. Para akong bata, naisip ko lang, makikita lang naman kita at kung umakto ako ay tila di tayo nagkita ng ilang taon. Pilit ko ring itinago ang bahagyang panginginig ng aking mga kalamnan, wala naman akong dahilan para nerbyusin ngunit eto nga’t sa kabila ng pakikisiksik sa tren na tila walang kasing bagal sa paggalaw ay di ako mapakali.

     Tumigil ang pampublikong sasakyan na iyon sa istasyong malapit sa isang sikat na TV Station. Ako ay bumuntung hininga nang pagkalalim-lalim at humakbang ng pagkabigat-bigat. “Para ka namang bibitayin,” aniya ko sa sarili, “ngumiti ka nga at para kang namatayan,” dagdag ko pang sermon. Ipinikit ko ang aking mga mata ng ilang segundo at sa aking pagdilat ay sinalubong ako ng papatakip-silim na kalangitan. “This better be good,” ang pahuli kong sabi bago nagpatuloy sa paglalakad. Habang palapit na ako sa lugar kung saan ay naroon ka na ay unti-unti kong naramdaman ang panlalambot ng aking mga tuhod, tila kinakabitan  ng mabibigat na bakal ang aking mga paa at hinihila ko na lamang ang mga ito para umusad. Hingal na rin ako sa paghinga at di magkamayaw ang dagundong ng aking puso. Kung ano-anong eksenang walang kabuluhan ang tumatakbo sa isip ko, lahat ay di nakatutulong upang mapakalma ang nagkakagulong mga bahagi ng aking katawan. Nanghihina akong napasandal sa posteng malapit sa bukana ng kainan na kung nasaan ka. “Baka naman nag-ha-hyperventilate ka na D?,” tanong ko sa sarili at pagkatapos ay napakagat ng mabilis sa labi, baka may makarinig at isiping nahihibang na ako. Pinilit kong pahinahunin ang aking sarili bago inilabas ang cellphone at sinubukang tumipa ng mensahe para saiyo. Natawa ako ng malakas habang ginagawa iyon dahil naiiwan pa sa touch screen ng aking telepono ang pawis mula sa aking kamay. Limang malalim na buntong hininga at sinubukan kong humimig ng isang kanta para tuluyang mapakalma ang aking bawat himaymay. Wala pang dalawang minuto ay kinalabit mo ako, inihanda ko ang isang pilit na ngiti sa paglingon sa iyo at ang sumalubong sa akin ay ang mga braso mong nakabukas at nag-iimbita para sa isang yakap. Ako ay nagpaunlak, at sa aking paghayo sa iyong pagyapos ay napaisip ako, “when did I start missing you this much?” Sa isiping iyon ay mabilis akong nanlamig habang tila nilunod ng mainit na dugo ang aking mga pisngi, napabitaw ako agad mula saiyo at itinaas ang dala-dalang paper bag. “Pasalubong mo,” daglian kong sabi kasabay ng pag-urong ng dalawang hakbang mula saiyo. Di ko alam kung na-amuse ka ba o nawiwirduhan, ngunit nangiti ka lang at tinanggap ang balutan na dala ko. “Salamat,” sabi mo, may kasamang init ang iyong presensya at naramdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Hinigpitan ko ang mga strap ng aking backpack, na tila angkla ang mga iyon na magpapatatag sa aking papalubay na pagkakatayo. Pinilit kong tignan ka sa mukha, at napansin ko ang pagkapal na ng buhok mo mula sa Mohawk mong gupit. Iiwas ka kaya kung hahaplusin ko iyon? At makikiliti ba ang aking palad kung lalaruin ko ang maiiksi pang hibla ng iyong buhok? Bumaba ang aking mga tingin sa iyong mga mata, may bahagyang singkit ang mga iyon na binagayan ng katamtamang haba ng mga pilik sa likod ng de-gradong mga lente, napansin kong medyo nangingitim ang ilalim at ipinagpalagay na di ka naman nakatulog nang maayos dahil sa paghahabol sa mga papel na itinatama mo pa para sa sampung klaseng tinuruan mo sa nagdaang semester. Nahiya ako nang maalalang magkatitigan tayo at tumikhim para muling kolektahin ang sarili ko. “Alis na ako, enjoy,” sabi ko nang may pagmamadali, “silip ka muna,” mabilisan mong sagot sabay hawak sa kamay ko at pahila tayong pumasok sa loob.


     Sa may mesang pinag-akayan mo sa akin ay nakaupo ang isang babaeng may mahabang buhok, payat at may maamong mukha. Nakangiti syang humarap sa akin habang nagpapalitan ng pagpapakilala. Hindi normal sa akin ang maging mahiyain, ngunit ang maipakilala sa isa sa iyong mga kaibigan ay tila isang katagumpayan sa parte ko, alam kong para akong nahihibang ngunit isa iyon sa pinakamasasayang sandali mula nang maging malapit tayo. “I’m not just imagining this thing, this closeness, these interactions,” the voice at the back of my head said. Nanlalamig ang mga palad na sinalubong ko ang pakikipagkamay nya. Naupo ako sa iyong tabi at pinaliit ang aking katawan, baka kasi kung kakaunti lang ang espasyong inookupa ko ay malimutan nyong dalawa na naroroon ako at malaya akong makapag-oobserba sa kung paano ka ba umakto sa harap ng ibang tao. Nagbiruan at nagkumustahan kayo, habang ako ay tahimik na nakikinig habang dahan dahan sa pag-inom ng ice tea na inorder ko. Sinubukan kong umubos ng isang soup ngunit masyado itong matabang at malabnaw, kaya dahan-dahan ko itong inurong paharap at inayos ang aking bag. “Ayaw mo na?” nagtataka mong tanong. “Di masarap,” mahina kong tugon, “ahmm aalis na ako mamaya ah.” Kumunot ang noo mo sa sinabi ko at naramdaman kong nakatitig na rin sa akin ang kaibigan mo. “Wag muna,” tipid mong sagot, sabay lagok mula sa nagpapawis na lata ng beer sa iyong kamay. Di naman ako na-a-out of place, parang di lang ako makaarte ng akma sa pagkakataon na iyon, lalo pa’t nalaman kong matagal ding di kayo nagkitang dalawa, mahirap mag-catch up catch up kung may estrangherong kasama. “May magbabago ba kung magtatagal ako,” marahan kong mutawi, mas kinakausap ang sarili ko kesa sinasabi saiyo. Bahagya mong binangga ang tuhod ko sa ilalim ng mesa at tinitigan ako ng taimtim sa mga mata at nagsabing, “malay mo.” Napalunok ako. Malay ko nga naman, mahaba pa ang gabi, marami pa ang maaring mangyari. Lumunok ako at huminga ng malalim  at di gumalaw sa kinauupuan. Mag-a-anim na buwan na mula nang gabing iyon, at may isang maliit na bahagi sa akin ang napapaisip na sana ay di na lang natapos ang gabing iyon. 

17 comments:

  1. Huwaw.

    So many things run through the silly mind as I read this, but firstly, what an amazingly beautifully rendered story!

    Una, kinikilig ako as you set the motion as the the where why and how. I am with you the entire way, and the way you wrote, I could almost feel the same er... kilig and nervousness.

    As an aside, bakit nga ba walang proper Filipino word sa hyperventilate. Hahaha.

    Anyway, two, you do not answer who this person is, still. I get it that this is your first meeting and everything prior to this has been a flurry of (maybe flirtatious?) exchanges, online?

    O kakilala mo na ba siya prior and you are meeting him again as a person anew, a man now (because I have had a similar experience once, meeting a girl turned woman after many many years apart)?

    Are there sequels to this tale? What happened next? Haha. Impatient lang.

    Is this your ONLY encounter with the person? Reason for the other, This Day in _____ FB feature?

    Three, I would have to give you points for DOING SOMETHING. Some people get so defeated that they fail to make the first move. I find it sexy in women (and okay, certain men, too. Sweeping crushing syndromes AND making their presence known. It does not turn me off, and instead make me see you in a new light. Other morons may get turned off, but not me. Right right, this is about you, sorry. Hehe.), and commend them for their efforts.

    Being upfront and honest IS a virtue, too.

    So... did ANYTHING ELSE happen, is I guess what I wanted to ask.

    Or do we chalk it up to "learning experiences" yet again?

    Sincerely enjoyed reading this. Thank you, instead. Whoa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. This is the part 1 of a 3-post telling of one single night. I find that night so intense that I only got to write about the 1st part (the writing process is just so exhausting), sana sipagin ako. Haha. But I promise to get around it.

      Thank you for following through these posts and for making your presence known. May I know I how you got here in the first place?

      Delete
  2. Hmmm. I forget. I was whiling the time away from the silly spreadsheets and office terminal reports (hate those) and began reading blogs.

    Or rather, skimming. Oh, a fashion blog, skip, find another one. Oh look! A travel one. *skip, move along* Oh, wow, this was my grade school teacher! Am I interested? No.

    *skip, move along.*

    You get the picture. And then I fell into some nice Sanrio stationery that was you. Tee hee.

    ReplyDelete
  3. Get around it! Don't be so unfair! You have me invested already! Haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I knowwww... it's...too pink. I have just changed it into this livelier color as compared to the depressing blue-gray tone my theme once had. Masyado daw depressing. I hope di ka maumay,cause marami pang nakakaumay na bagay dito. Haha.

      I will write about it. Give me time.

      Delete
  4. No. Don't change it on my account. Pink is good, and is a cheerful color.

    Worry not, am quite umay-proof.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako kasi nauumay na, sana may mas masayang dahilan pa sa pagsusulat di ba?

      How's your weekend turning out?

      Delete
  5. Replies
    1. For some reason I feel responsible of that statement, weird. I hope it'll turn around today. May linggo pa naman.

      Mine's tiring 'cause it's so packed. Marai pang gagawin today.

      Delete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  7. Ginawa na nateng chatroom ang page mo. =D

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
  8. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
  9. ...and again with the spotlight on me! You sneaky, little... Ahahahahaha.

    Page mow itoh!

    ReplyDelete

Well hey :) Is there something you would like to say?