Tuesday, 28 October 2014

Late night texts to early morning calls

Me (Oct. 27, 2014; 11:56pm): Tapos dami mong ginawa pa ngayong araw?
You (Oct.27, 2014; 11:58pm): Sakto lang.

Kapag ganito ang usapan natin medyo nawawalan ako ng gana. Alam mo namang parang nababanat na goma ang mga araw ko at ang papuslit-puslit nating palitang ng mga mensahe ang isa sa pinakahihintay ko, tapos mamukat-mukat ko ganito lang ang mga nilalaman noon. So ano ang gagawin ko? Matutulog. Di ko na pinipilit pigilin dahil nakakapagod i-maintain ang kasigasigan sa mga pag-uusap natin sa tuwing ang sagot mo ay "Okay." "Haha." ":)" "Sakto." "Ah." lang naman. 

Pero kahit ganoon, sa tuwing magigising ako ng alas-4 ng umaga at makikita kong may bago kang mensahe, kahit gaano pa kapayak yan ay sasagot ako. 

Me (Oct. 28, 2014; 4:15am): Good morning
You (Oct.28, 2014; 4:22am): Tawag ka.



Kapag nagrerequest ka ng gaya nito, di ko maiwasang isiping maaaring nalulungkot ka na naman at dahil ako ang saktong nandun, ay pwedeng-pwede mong pagrequesan ng mga ganito. Di ko rin maiwasang ipagpalagay na nakahiga ka lamang sa kama at nagmumuni-muni mag-isa, kaya naman laking gulat ko nang tumawag ako kanina at maulinigan ang tunog ng tawanan at pag-dribble ng basketball sa di kalayuan. 

You (Oct. 28, 2014; 4:48am)*non verbatim*: Kanina ka pa ba tumatawag? Sorry. Nakalimutan kong nagpapatawag pala ako. Haha. Nagbabasketball ako ngayon, nagpapanggap na marunong. Hahahaha, kasama ko mga advisee ko ngayon, ito nag-iinuman pa rin. 
Me: Ah. Sige sige

Ang bilis mong nasabi lahat yung, di ko alam kung bakit ka pa nagpatawag samantalang tila ang saya-saya mo nga sa piling ng mga kaibigan mo. Mas naguguluhan tuloy ako, marami tayong ganitong eksena, tatawag ako at may kasama kang iba, mag-uusap tayo saglit at mas lamang ang mga pagkakataon na parang pinaparinig mo sa akin ang daldalan nyo ng kasama mo. Di ko ma-gets yung end game noon. Hindi naman ako nagrereklamo, sa totoo lang sapat na sa akin ang marining ang boses mo, kahit di naman para sa akin ang mga sinasabi mo. May pagmamadali sa bawat bitaw mo ng mga salita, na tila mauubusan ka ng pagkakataon para sabihin ang nais mo. May ibang tono rin iyon, di ko maexplain ngunit naririnig ko sa bawat nota ng mga salitang sinasabi mo ay natutunugan ko kung pagod ka ba o malungkot. Kanina malungkot ka, kaya mas napaisip ako, "why seek people's presence that would not help you ease that sadness." Tinapos mo ang tawag, nagbiling tawagan kita ulit pagdating ko sa opisina, ginawa ko naman pero di ka na sumagot. Naidlip ako at nagtext ka ulit, di ako sumagot agad. Tapos mamayang hapon ganito ulit. Di ko alam kung may patutunguhan pa ba ito, ano nga ba ang nararating natin sa bawat pag-uusap na gaya nito? Ano bang naidudulot nito sa akin. Ewan ko. ewan ko. 

7 comments:

  1. Wala. Wala syang kwenta at wala itong patutunguhan. I can always tell.

    Meanwhile.

    ReplyDelete
  2. Why do we get entangled with all the Patrick the Starfishes, is what I'm really wanting to know. Why are there so many of them around, too?

    Ahahahahhahaa. But this was fun. I learn more about you, instead.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ah. You haven't read the post after this one, it exemplified how much I love my particular"Patrick".

      Sabi nila walang manloloko kung walang magpapaloko. So I guess they are around because there are people like me around, it more fun that way.

      Delete
    2. This comment has been removed by the author.

      Delete
  3. Us. People like us, my good woman. Ahahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I don't want to generalize agad agad. But oh well.

      Delete

Well hey :) Is there something you would like to say?