Friday 13 February 2015

Giveaway

Sa mga mandurukot na tila pinag-iinitan ang back pocket ng bag ko, salamat po. Salamat at binigyan nyo ako ng pribilehiyong magbigay ng -cord ng charger, at least napalitan ko na yang defective na cord na yan; ng colored pencils, uh 3 years na sa akin halos yan so I guess dapat ko nang palitan, saka nakaipit sa likod nyan yung confiscated stash ng kapatid ko, kayo na po ang magdispatsya, enjoy; tissue and baby powder, di ko feel yung scent, pang-original johnsons talaga ako; and very recently yung suklay ko, sabagay feel ko ang kulot kong buhok, so thanks for the opportunity para mailugay ko sya. Pagpalain nawa kayo.

No comments:

Post a Comment

Well hey :) Is there something you would like to say?