Mahigit dalawang buwan akong nagmukmok, at nagkimkim, at
nag-inarte, at nagdrama, pero sa tingin ko gaya ng nasabi ko na noon, kailangan
kong ilabas ang nararamdaman ko nang mas sistematiko at baka after noon ay
magiging maayos na ako. So for once, I'll let myself be selfish, the rest of
the world is anyway.
You led me on a**hole. Di yan himutok, plain statement lang. Di ko ugaling
magmura, profanity feels unnatural coming out of my mouth, pero gaya din ng
ibang tao may mga pagkakataong nakaka-relieve ang pagmumura ng mga mabibigat,
ay tila may nabawas nga sa bigat na nararamdaman ko, kaso kahit ang gawin yun
ng tuloy-tuloy ay di ko magawa, gusto pa din nga yata kita. Pero totoo nga,
pinaasa mo ako. Di naman ako naghanap ng kahit ano, madalas na kausap lang
ang nais ko, at bilang matagal na tayong magkakilala ay di ako
nag-alangan na makipag-usap saiyo.