Tuesday, 28 October 2014

Late night texts to early morning calls

Me (Oct. 27, 2014; 11:56pm): Tapos dami mong ginawa pa ngayong araw?
You (Oct.27, 2014; 11:58pm): Sakto lang.

Kapag ganito ang usapan natin medyo nawawalan ako ng gana. Alam mo namang parang nababanat na goma ang mga araw ko at ang papuslit-puslit nating palitang ng mga mensahe ang isa sa pinakahihintay ko, tapos mamukat-mukat ko ganito lang ang mga nilalaman noon. So ano ang gagawin ko? Matutulog. Di ko na pinipilit pigilin dahil nakakapagod i-maintain ang kasigasigan sa mga pag-uusap natin sa tuwing ang sagot mo ay "Okay." "Haha." ":)" "Sakto." "Ah." lang naman. 

Pero kahit ganoon, sa tuwing magigising ako ng alas-4 ng umaga at makikita kong may bago kang mensahe, kahit gaano pa kapayak yan ay sasagot ako. 

Me (Oct. 28, 2014; 4:15am): Good morning
You (Oct.28, 2014; 4:22am): Tawag ka.

Tuesday, 7 October 2014

Mahabang gabi (Una sa Tatlo)

     Nakisiksik ako sa dami ng mga pauwing tao nang araw na iyon. Holiday kinabukasan, kaya naman ganoon na lang ang pagmamadali ng lahat na makauwi ng maaga o pumunta sa kung saan man sila pupunta. Sapo-sapo ko ang paper bag na kinalalagyan ng pasalubong ko saiyo mula Boracay, lukot na at unti-unting dumurumi dahil sa polusyon ng Metro Manila. Kauuwi mo lamang mula sa malapit na probinsya kung saan ka nagtuturo sa kolehiyo, magpapasa ng mga requirements sa University na gusto mong pasukan para sa Masters Degree na matagal mo nang nais kunin. Nagsabi ka ng mga gagawin mo sa buong maghapon, “…pupunta sa” dito at doon at “…kikitain ang ilang kaibigan mula..” sa ganito at ganyan. Bahagya akong nalungkot at mabilis na kinagalitan ang sarili sa pagiging mapaghanap. Wala naman tayong usapan ng araw na iyon na magkikita, umasa lang ako ng bahagya na makikita ka tutal ay nasa lungsod ka naman ng mga panahong iyon. Natunugan mo yata ang pagtamlay ko kahit sa text lang tayo nag-uusap, kaya’t naging malambing ang mga susunod nating palitan ng mensahe.