Thursday 3 March 2016

9th of February

Originally posted on my facebook page on February 9, 2016.
Minor edits made. 



Ika-siyam ng Pebrero ngayon at malamig. If things were the same, I'll find you at the lobby with a guitar on one hand and your bag hanging on the other. Tapos aayain kita ng Happy House Donut, my treat kasi it's your day. Pipisilin mo ako sa pisngi tapos ngingiti tapos magvovolunteer kang buhatin ang bag ko habang kakaray-karayin ko ang gitara mo. Sabay tayong bababa at sisirain mo yung moment sa pagtatanong kung nag-shave ba ako ng kili-kili (biset to). Hahaha. 



Ilang libong milya ang layo natin sa distansya at mas malayo pa dun kung sa totoong pamantayan ng pagiging malapit ang pag-uusapan. Pero no regrets dapat di ba? 

Ika-siyam ng Pebrero ngayon. Maligayang kaarawan. Sana masaya ka. 😁

No comments:

Post a Comment

Well hey :) Is there something you would like to say?