Friday, 8 August 2014

Isang Milyon at Isang Posibilidad

So I am currently reading Ricky Lee's "Si Amapola sa 65 na Kabanata", di ko madalas binabasa ang ganitong klaseng libro, out of my comfort zone sya pero in fairness holding pa rin. Anyway, dun sa libro may nabanggit tungkol sa isang milyong posibilidad, at dahil sa mga nangyayari sa akin recently, napaisip din ako sa isang milyon at isa kong mga posibilidad. Sa sobrang dami, nakakalula na.



Nag-uuulan nitong mga nakaraang linggo, at madalas akong pumapasok sa trabaho kong pangmadaling araw na basa at binubugnot, ang hirap kasing tumayo sa kama. Pero dahil na rin sa pagmumuni-muni narealize kong marami talagang pwede mangyari sa akin sa loob ng isang araw, it's a matter of which of the possibilities presented before me I will pursue. And because there is no use revisiting past choices made, I'm all for future possibilities and the promises they hold. Maraming bagay pa sa mundo na maaring maging rason para sumaya at i-look forward pa, ang pagmumukmok sa nakaraan ay walang maidudulot saiyo maliban sa kalungkutan at pagsisisi.

Bilang tugon na din sa challenge ko sa sarili ko this year na mag-180 degree revamp of life, kinausap ko na ang boss ko kagabi. Matagal ko na din naman tong planong gawin, mula yata nang bumalik ako ng Pilipinas, mahigit isang taon na ang lumipas. Nagpaalam na ako na magreresign sa darating ng Enero ng susunod na taon, masyado pang maaga sabi ng ilang kakilala, but because of the sort of necessity my role impose in the office I had to hand in the notice of my resignation earlier. Actually nagprepare ako ng mahabang speech, medyo madrama, pero noong nasa harap ko na sya di ko napigilang matawa. I mean, not the sarcastic, demeaning kind of laugh, pleasant laugh lang. Nakatulong din siguro na matagal ko nang kilala ang boss ko, family friend ako ika nga. Noong nasabi ko na balak kong umalis, mabilis nyang sinundan yun ng mga tanong sa plano ko sa buhay, dito ako medyo ninerbiyos. Ayaw ko talaga ng nagplaplano. Stressful ang planning,and quite frankly boring, it's limiting me of the excitement ika nga, pero madalas walang matinong nangyayari sa kin pag walang plano. Nasagot ko naman sya gamit ang mga planong nais ko sanang ipursue, sa tingin ko din wala syang magagawa kung growth and growth lang din naman ang pag-uusapan. Aware sya na walang pupuntahan ang karera ko sa buhay kung mananatili ako sa kumpanya nya.

Ma-stre-stress lang ako kung nanaisin ko ang lahat ng posibilidad na meron sa harap ko, at siguradong mas mag-ha-hyper thinking ako kung iisipin ko yung mga posibilidad na di ko pinursue, sayang sa lakas at sayang sa panahon kasi tapos na ang mga iyon. I guess what I can do is to choose wisely and to stand by the choices I made and will make. Gaya ng paggising ko ng 5 minutes earlier kanina, malamang kung naglimlim pa ako sa kama eh siguradong tumatakbo na naman akong umaakyat ng hagdan kanina. Ang laking tulong talaga rin ng kaalamang nandyan ang Panginoon para gumabay, like seriously, matagal na akong patay kung panay kutob at wants lang ang pinairal ko sa decision makings ko. Salamat sa Kanya dahil ang dami Nyang guidelines na ipinapakita upang mas effectively kong mafilter ang mga dapat kong gawin.

Sana bukas, di man ako sigurado pa, ay mas maayos ang desisyon na pipiliin ko para di masayang ang marami pang posibilad.

No comments:

Post a Comment

Well hey :) Is there something you would like to say?