Sunday 24 August 2014

Thoughts on August 23rd

1. Birthday mo ngayon, di kita mabati kahit gustung-gusto ko. Siguro ang comforting thought na lang sa akin ay ang katotohanang di ikaw o ang kaarawan mo ang unang naisip ko pagdilat kanina, kundi sa wakas ay nakatulog ako ng sapat.

2. Nakatabi pa rin sa tokador ko ang mga necktie na dapat sana'y ireregalo ko sa pagpasa mo sa Master's program sa so called dream school mo. Hindi ko na naibigay noong umakyat tayo ng Baguio, sa dami kasi ng ginawa natin ay nakaligtaan ko na. Naisip ko na ihabol na lang para sa kaarawan mo, ngunit mukhang mananatili na lang sila sa tokador ko at mag-iipon ng alikabok.



3. Napadaan din ako kanina sa lugar kung saan tayo unang pumunta noong nagkita tayong muli, and even though I tried stopping myself, I couldn't help but seek out for your face in the crowd.

4. Nagkasundo tayo noong Mayo na pagdating ng panahon na ito ay magpapabook tayo ng flight papuntang Palawan para sa susunod na taon, mukhang iyon gaya ng iba pa nating plano ay dapat ko na lang ikibit balikat at isiping mga bunga lamang ng bugso ng damdamin.

5. Sinubukan kong ukilkilin sa isip ko kung malungkot ba ako na sa araw na ito at wala akong maisagot. Di ako malungkot at di rin naman ganoon kasaya. Masasabi ko na di na ganoon kabigat ang lahat, naiisip ko na lang napapaalala ng konti, mangingiti o matitigilan ng bahagya at tapos na. Sana good thing yun, na sana ang ibig sabihin noon ay mas nagiging maayos na ako.

6. Kung nasunod lang ang mga plano ko ay nakabili na tayo ng polo para ibagay sa bagong necktie mo.

7. Sana ay masaya ka.


2 comments:

  1. Awww.

    That bastard. Makes me wanna go over there and punch the living daylights out of him.

    Bwiset. Naiinis ako. Naiinis na ako. *sabay inom ng kape*

    ReplyDelete

Well hey :) Is there something you would like to say?