Mahigit dalawang buwan akong nagmukmok, at nagkimkim, at
nag-inarte, at nagdrama, pero sa tingin ko gaya ng nasabi ko na noon, kailangan
kong ilabas ang nararamdaman ko nang mas sistematiko at baka after noon ay
magiging maayos na ako. So for once, I'll let myself be selfish, the rest of
the world is anyway.
You led me on a**hole. Di yan himutok, plain statement lang. Di ko ugaling magmura, profanity feels unnatural coming out of my mouth, pero gaya din ng ibang tao may mga pagkakataong nakaka-relieve ang pagmumura ng mga mabibigat, ay tila may nabawas nga sa bigat na nararamdaman ko, kaso kahit ang gawin yun ng tuloy-tuloy ay di ko magawa, gusto pa din nga yata kita. Pero totoo nga, pinaasa mo ako. Di naman ako naghanap ng kahit ano, madalas na kausap lang ang nais ko, at bilang matagal na tayong magkakilala ay di ako nag-alangan na makipag-usap saiyo.
Di ko lang kasalanan ang lahat. I will admit to my mistakes and faults in whatever happened to whatever we had, pero di lang ako ang may kasalanan. We both have blood on our hands honey, and here I am trying to get rid of the funky smell, let alone organize the entire mess. You had me in your hands and you were enjoying the power you had over me, when all I did was be as honest as I can with you; I don't know how to be otherwise. Baka di mo lang naaalala pero maraming pangakuang nangyari, maraming malulumanay na salita na isinabay mo sa mga mararahang haplos mo sa akin. Nagtanong ako, kasi kailangan ko ng linaw at ang mga sagot mo sa akin ay higit na mas maraming pangako ng mga pagkakataon na magkakaroon pa ng kasiguraduhan ang lahat. I asked you and you said wait, at ayun nga naghintay ako. Para akong aso, naghintay, sumunod at nakinig saiyo. Nanabik ako sa mga pagkakataong makasama ka, ninamnam ang mga saglit na tayo lang dalawa at umasa, umasa na di ka man sigurado pa sa nararamdaman mo nang mga panahong iyon pero malamang dun din naman ang tungo nun di ba? (Of course not, you little bimbo).
Maybe I do have a thing with indifferent, emotionally non-present, complicated men. The type who has the mood swings of a manic depressive patient, yung kayang maglambing na tila ikaw lang ang babae sa mundo at maya-maya ay tinatrato kang parang di kilala. Ang sarap sa pakiramdam ng nagaganun. Remember that one time na biniro tayo noong tindera sa pamilihan ng pasalubong sa Baguio? I walked away immediately because I can't stand hearing you affirming what we really are, just friends. Paanong naging magkaibigan lang tayo gayong di lang pangmagkaibigan ang ginagawa natin? Why do I eventually find myself interested in a guy with much heavier baggage than I have? And why did you let me fall anyway? I came clean to you, and bared myself with all of the scars. Sana una palang tinabla mo na ako, even a clean cut "I'm not interested" would have sufficed, but no, the fun that comes from the opportunity of seeing where this could lead and how pathetic and miserable this sad little girl can get so fast are too delicious to pass on.
Of course the sane thing to do now is move on, and hence this post. I would not sensor my posts or pretend that I am not hurt. Masakit eh, so i-a-acknowledge ko na masakit, i-re-reorganize ang lahat at mag-mo-move on. Nakakatawa na kailangan kong mag-move on kahit di naman talaga naging tayo. Nakapanghihinayang lang na di natapos ang lahat ng maayos, sayang ang halos isang dekada ng pagkakakilala, sayang.
Pero gaya nga ng sabi ko sa huli kong text, salamat pa din. Salamat sa mga posibilidad na ipinakita mo, sa pagpapaalala na ang bata ko pa rin at marami pa ring pwedeng gawin para sa sarili ko. Thank you for the summer fling, at least I now know how it feels like. Naniniwala ako na makikita pa kita, maliit lang ang Pilipinas, ang Luzon pa kaya? You are meant for greater things, and I know that you will reach places way beyond what you hope for now, sana nga lang gamitin mo ang lahat ng potensyal mo sa ikabubuti rin ng marami, but of course you don't need me to tell you that. Masakit lang ngayon kaya tila nagsisintir ako, di naman lahat ng naranasan ko kasama ka ay masama, you changed me and it is not how I expected to be changed. I will use this to fully rediscover myself, and to fall in love with myself again.
Funny, I remember the first time I prayed to the Lord na may kinalaman saiyo, ang sabi ko "Panginoon, tama po, ganito ang gusto ko. Matalino, exciting, interesting, keeps me on my toes, challenges and moves me. Kahit di po ito magwork, ganitong-ganito po ang gusto ko." Para kang free taste sa isang putaheng iniluto para lang sa akin, at mas naexcite ako, mas naging optimistic. Naniniwala kasi ako na ikaw ang teaser sa kung ano pa ang maaaring gawin ng Panginoon para sa akin at sa buhay ko, sumablay lang talaga ako saiyo kasi nga wala pang commitment pero napasubo na ako. Sayang lang din dahil di mo Sya nakilala sa pamamagitan ko, I was too busy fawning over you kaya di ko naipakita saiyo kung gaano Sya kasarap magmahal. Nag-ambisyon ako ng kaunti na kung maging ayos ang lahat ay mamahalin mo rin Sya, at mas gugustuhing makilala pa. Eh wala, pasaway din ako kaya walang nangyari.
Kaunti na lang, at di na ako didilat sa umaga at pipikit sa gabi na ikaw ang huling iniisip, at kung maisip man kita ay mangingiti na lang talaga ako. Sa ngayon, hahanap-hanapin ko ang pakiramdam na matulog sa tabi mo, ang magising sa madaling araw sa mga mumunting halik mo. Very soon, I would eventually stop longing for your eyes and the sound of your laughter. And so till then.
No comments:
Post a Comment
Well hey :) Is there something you would like to say?