I can sense that this project is slowly turning into an anthology of my job seeking exploits that are not ending well. I am jeopardizing the tone of the entire thing because I am slowly burying myself in the funk. So today, let me try something to change it a bit.
Noong bata pa ako, lagi akong fail sa pamamalengke. Ewan ko ba kung bakit basta laging fail, basta fail sya. Bale, 7 years old pa lang ako at 6 yung sumunod sa akin ay inuutusan na kami ni Ina sa kung saan-saan. Sa pamamalengke ako madalas pumapalpak.
One incident that will stand out at hanggang ngayon ay kaya pang ikwento ni Mama (at ikinukwento pa nya ata) ay noong inutusan nya kami ni Utol na bumili ng bigas. Grade 2 lang ako nun at wala masyadong ideya sa lokasyon ng naturang rice dealer. Ang ibinigay na landmark ni Mama ay malapit daw ito sa tindahan ng mani, ibinigay nya pa yung pangalan nung tindero ng mani, "Kuya Edwin" daw. So sa logic ko ito ang nangyari, pag nahanap ko yung nagtitinda ng mani ay mahahanap namin yung tindahan ng bigas na suki ni Ina. For a 7 year old fool proof yung plano.
And we set out, alas-diyes nun ng umaga. Naalala ko pa kung paano ako nanghinayang na di mapanood yung Saturday program sa GMA dahil sa utos na iyon. Hinanap namin yung nagtitinda ng mani pero walang may alam. Panay kami sa pagtatanong-tanong at ginalugad na namin yung buong palengke, wala talaga yung tindahan ng mani (raw peanuts meron pero wala namang katabing bigasan), pati yung pangalan na ibinigay ni Ina ay walang dulot .Pagdating ng 11:30 pagod na kami parehas ni Utol, medyo mukhang naiiyak na sya, takot yun sa tao eh at halatang napipilitan lang sumama kasi nautusan rin. Katatapos lang idiscuss sa klase namin sa SIBIKA ang pag-gamit ng mapa. So a brilliant idea presented itself na dapat ay naisip ko noong una pa lang. We needed a map! So ito ang ginawa ko, pinauwi ko si Utol (mag-isa, oo, pinauwi ko ang isang 6 years old mag-isa) para humingi ng mapa kay Mama at sinabing hihintayin ko na lang sya sa isang lugar.
Mag-a-ala una na ay wala pa si Utol, gutom na ako at nag-uumpisa nang maiyak nang biglang may pumingot sa akin. Nalingunan ko ang nanay ko habang hawak nya ang taenga ko sa isang kamay at sa isa naman ay si Utol na umiiyak na nakatingin sa akin, nang-aakusang mga tingin (sabi nya sa akin pagdating ng bahay, "bakit mo kasi ako pinauwi? Napalo tuloy ako.") Galit na galit si Mama, kinaladkad ako pauwi habang sinasabi ang: "Anong Mapa? Bakit ka naghahanap ng mapa? Bigas ang pinapabili ko saiyo bakit tindahan ng mani ang hinahanap mo? Ala-una na wala pa tayong sinaing... (ratatat-tatat x10000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000000)." Dumagundong sa kahabaan ng palengke yung boses nya habang pinapauwi kaming dalawa ni Utol. Ang ending? Ayun nagulpi kami pag-uwi at mga isang linggong ayaw lumabas ng bahay ni Utol, mas lalong natakot sa tao.
Kinalaunan napag-alaman ko na gabi lang nagbubukas yung tindahan ng mani at nasa bungad lang ito ng palengke. Edwin nga yung pangalan nung tindero, gayun din yung pangalan nung nagtitinda ng lpg mga 3 kanto ang layo pati na rin yung nagtitinda ng prutas sa tapat nito. Mga sampung Kuya Edwin ata ang nagtitinda sa palengke, gaya nga ng sabi ko, walang dulot.
Di ko alam kung may kinalaman tong incident na ito sa obsession ko sa pagtingin muna ng mapa bago pumunta sa isang lugar kahit di ko sya masyadong gets minsan. Mas securing lang sa pakiramdam. Sa nanay ko, yes mader you scarred me for life. Chos! HAhaha joke lang Ina, ang laking tulong ng mga aral na tulad nito.Di tuloy ako masyadong takot sa tao at di ako masyadong fan ng oily peanut so less hazard for pimple.
Dami kong kuda, ninenerbiyos lang ako sa pag-aapply ng trabaho. Kung natapos mo tong basahin may kiss ka sa akin, claim it later. Mwuah!
No comments:
Post a Comment
Well hey :) Is there something you would like to say?