Wednesday, 2 September 2015

2nd of 11: Mundane is Constant


tag-lish post coming to you in a moment, nawa'y di kayo masuka sa pagkairita. :)

     My scheduled job interview today brought me back to the Ortigas-Mandaluyong area. At muli kong natagpuan ang sarili kong nakaupo sa isang regular bus mula sa Cubao at tinitiis ang bigat ng traffic. It's the kind where you fall asleep on one spot and you wake up a good 10 minutes later, having moved for about a meter only (or even less), basta nakakairita. Ipinaalala muli sa akin ng biyaheng iyon kung bakit di naging mahirap sa akin ang magresign mula sa dati kong trabaho sa Ortigas, nakakaubos na ng lakas ang biyahe papuntang trabaho tapos kalahi pa ni Satanas ang ugali ng mga maaabutan mo sa opisina (my better judgement is trying to tell me not to add that  part, but one must make some really bad choices sometimes, may it be a collection of words turn into a phrase, right?) Alas-nuebe ang scheduled interview ko, pero halos 9:30 na ay nasa Cubao pa rin kami. Wala halos usad, masaklap. I was actually scared na baka bumalik yung mga INC kaya ganoon na lang bagal ng galaw ng mga sasakyan (oo medyo iritable ako sa isyu na yan dahil naroon ako ng mga panahong nagpapakitang gilas ang kultong yun, pipigilin ko na ang sarili ko dito baka ano pa ang madagdag ko). Iniisip ko pa yung lalaking katabi ko sa bus, panay ang sipat sa akin/sa dibdib ko, medyo nailang pa ako kasi baka kako ang revealing ng damit ko gayong I took great care in choosing my attire for this interview, red nga lang yung bra ko, dahil kaya dun yun? Hmmm.


   So anyway, with much ardous waiting I arrived at StarMall at nalito pa ng kaunti sa direksyon na ibinigay sa akin noong contact person, ang dami kasing tao. I've noticed how my preference for secluded areas has grown. Ayaw ko na rin masyado ng matataong lugar, very unlikely cause I am someone that most people will describe as an extreme extrovert. Got to the interview at unang-una pa lang binigyan na agad kami ng written exam. It made me think of the last time na nag-pen and paper exam ako, medyo ninerbiyos pa ako actually, since may abstract at may math problems. Suprisingly kaunti lang yung hinulaan ko sa math part at medyo kinarir ko yung sa abstract. The initial interview itself went well, apparently recruitment firm din yung company and they place people base on the demand of the client. The locations that the interviewer were suggesting are all about an hour away and with EDSA's glorious traffic condition I doubted if I'll make it on time, saklap naman kung lagi namumula ang time card ko gayong HR position pa man din ang nais kong pasukan, so I had to decline the offers. That interview went well kaso sa huli maghihintay pa rin ako. Sa sobrang smooth nung interview mas matagal pa yung ibiniyahe ko kaysa sa itinagal ko dun sa opisina. Tumambay muna ako sa labas ng building at nag-muni-muni sa mga development ng job hunting ko. Ikalawang araw na ng pag-aapply ko at wala pa ring matinong resulta. Gusto ko sana talagang mag-HR position nang magamit ko naman ang mga inaral ko noong kolehiyo, pero kung di maipipilit ay ayos lang marami pa namang ibang posisyon. Ganito yung line of thinking ko noong may lumapit sa akin, akala ko sa networking, recruiter din pala. Sinabi ko na pang-back office ang hanap ko ay nag-insist sya. Wala naman na akong pupuntahan maliban sa ang umuwi so pumunta na rin ako, salamat talaga sa Panginoon at di yun networking kasi baka kung anong nagawa ko dun sa nangkayag sa akin (yep, I also have a word or two about networking). Ang ending? Call center position pa rin. Nagdesisyon akong pumunta ng Megamall. 

   Sabi nila September 1 ang start ng Pasko sa Pinas at dito na mag-uumpisa ang di magkamayaw na pagpapatugtog ng Christmas songs at kaliwa't kanang sales. It wasn't apparent in Megamall. Parehas pa rin noong huli akong napadpad dito bago ako magresign. It's the candy land of the materialistic and consumerism abounds. Di talaga ako kumportable sa mga ganitong lugar, mostly because I don't have the money to spend and even if I do, I'll always think how much of a waste spending it all on just one object. I tried contacting a friend from High School who happened to work in Ortigas, niyaya kong mag-lunch, aasarin ko sana na ilibre nya ako bilang nagtatampo ako sa kanya (sa kanila) na bunga na rin ng pagiging sensitibo ko nitong ilang buwan. Haay tumatanda na talaga ako, mabilis nang mabugnot sa maliliit na bagay. Sakto nga lang na papunta syang Taguig at nag-suggest na mag-dinner na lang. I tried considering, kaso mas importanteng matulog kaya umuwi na lang ako. 

      Pangalawang araw na akong umuuwi mula sa interview at natutulog pagkatapos, sana di ito paunang sintomas ng depression at sa halip ay pagbabawi lang ng katawan ko ng tulog mula sa ilang buwang kakulangan. Pagkagising ko naisip ko agad kung gaano kadali ang mabuhay ng sapat lang, na may sapat na kita at sapat na pahinga para sa pamilya mong may sapat na pangangailangan lang. Kaso mas laging mas nakahihigit yung huli dun sa naunang dalawa. Nalungkot ulit ako. Nanonood ng mga batang koreano na wala pang muang sa mundo. Buntong-hininga. 

     Kinagabihan ay dumaan ako sa negosyo naming magkakaibigan. May maliit kaming tindahan ng burger malapit sa simbahang miyembro kami. Yung dalawa kong kaibigan kagabi pa nagpapahula tungkol sa balitang kasal. Naturally I got curious but I didn't push it. I know this people, they relish in my curiosity even if it kills me. Ayos naman ang sales nitong ilang araw na wala ako, yun naman ang vision ko personally dun sa store bilang dapat pang-additional income sya. Attached kami parehas sa mga nangyayari doon kaya nga natagalan din ang pagahahanap ko ng trabaho dahil dun. Nauwi ang gabi sa pagkakape naming tatlo. Muling sumilip sa isip ko na kung gaano ako sasaya talaga kung maipagpapatuloy ko ang mga ganitong klase ng araw, mahirap man ay di natatapos ng walang tasa ng masarap na kape. Marami kaming napag-usapan. Parehas pang nag-aaral yung dalawa kong kaibigan, magkapatid din sila, naturally ako kunwari yung ampon, ayos lang extension to the family ika nga, Ikakasal pala yung tiyahin nila, akala ko talaga kung ano na. Nagpatulong yung isa sa reporting nya sa eskwela samantalang yung isa ay nagkwento tungkol sa nobyo nyang nasa Singapore. Nagkaroon ng oras ng katahimikan, parehas silang may ginagawa samantalang ako ay nangingiti mag-isa. Na-realize ko na lang ng mahuli kong nakatingin sa akin yung barista, buti na lang kami lang yung nandun sa kapihan. Ang wirdo ko. 

    Nag-check ako ng email gamit ang cellphone ko, at naiyak ng bahagya sa isang comment na iniwan nung nakabasa noong post ko kagabi. Nagulat yung dalawa, akala nila kung ano na, Natatawa akong nagpaliwanag. Napailing na lang si Z samantalang si Ate ay gusto akong batukan. Ang wirdo ko.

      Maraming detalye sa araw na ito ang nais kong ipagpasalamat bagama't di ko alam kung magkakaroon pa ako ng tyansa na maulit ang ilan doon. Sa ngayon siguro mas mahalaga na lang na isipin ko kung ano ang mayroon ako kaysa sa mga bagay na hinahanap ko pa. It's like grasping sands as of the moment, I just need to let it flow or whatever that means.

   Bukas uumpisahan kong mag-aral ulit mag-gutara, ihahabol ko sa imaginary timer ko bilang pangako ko sa sarili ko last year na dapat kaya ko nang kantahan ang sarili ko ng Happy Birthday Song sa susunod kong kaarawan. Nakaka-kuntento yung araw, it's not much but not everyone can have days like this. 

No comments:

Post a Comment

Well hey :) Is there something you would like to say?