tag-lish post coming to you in a moment, nawa'y di kayo masuka sa pagkairita. :)
My scheduled job interview today brought me back to the Ortigas-Mandaluyong area. At muli kong natagpuan ang sarili kong nakaupo sa isang regular bus mula sa Cubao at tinitiis ang bigat ng traffic. It's the kind where you fall asleep on one spot and you wake up a good 10 minutes later, having moved for about a meter only (or even less), basta nakakairita. Ipinaalala muli sa akin ng biyaheng iyon kung bakit di naging mahirap sa akin ang magresign mula sa dati kong trabaho sa Ortigas, nakakaubos na ng lakas ang biyahe papuntang trabaho tapos kalahi pa ni Satanas ang ugali ng mga maaabutan mo sa opisina (my better judgement is trying to tell me not to add that part, but one must make some really bad choices sometimes, may it be a collection of words turn into a phrase, right?) Alas-nuebe ang scheduled interview ko, pero halos 9:30 na ay nasa Cubao pa rin kami. Wala halos usad, masaklap. I was actually scared na baka bumalik yung mga INC kaya ganoon na lang bagal ng galaw ng mga sasakyan (oo medyo iritable ako sa isyu na yan dahil naroon ako ng mga panahong nagpapakitang gilas ang kultong yun, pipigilin ko na ang sarili ko dito baka ano pa ang madagdag ko). Iniisip ko pa yung lalaking katabi ko sa bus, panay ang sipat sa akin/sa dibdib ko, medyo nailang pa ako kasi baka kako ang revealing ng damit ko gayong I took great care in choosing my attire for this interview, red nga lang yung bra ko, dahil kaya dun yun? Hmmm.